^

Metro

Nagnakaw na kasambahay ni Amy Perez, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kasambahay ng mag-asawang TV host/actress na si Amy Perez-Castillo at reporter na si Carlo Castillo na responsable sa pagnanakaw  sa dalawa matapos ang follow-up operation   sa lungsod, iniulat kahapon

Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakilala ang suspek na si Melrose Besano, 37, dalaga, tubong Mandalagan, Bacolod City at kasalukuyang naninirahan sa Mahabagin St. Brgy. Teachers Village East, sa lungsod.

Isinagawa ang operasyon makaraang ireklamo ang suspect ng mag-asawang Castillo ng   qualified theft bunga ng pagtangay nito sa tatlong mamahaling relos na may kabuuang halagang P280,000 at monthly dues para sa homeowner association na aabot sa P12,000.

Base sa pagsisiyasat, si Besano ay apat na taon ng housemaid ng mag-asawang Castillo kung saan sa loob ng nasabing taon ay pinagkatiwalaan na ito ng pamilya.

Dahil dito, nadiskubre ng mga biktima ang pagnanakaw noong February 14, 2017 dakong alas 4:00 ng hapon makaraang magtungo sa bahay ng una ang admin at tinatanong ang bayad sa monthly dues mula January 2017.

Dito na naghinala si Castillo sa suspek at nagpasyang i-tsek ang kanilang mga personal na kagamitan sa loob ng kanilang kuwarto kung saan nadiskubre na nawala ang nasabing mga relo. Bago ito, nagpaalam pa umano ang suspek sa mag-asawa noong February 12, 2017 na magbabakasyon, pero bitbit na umano nito ang kanyang lahat ng gamit.

Ang pagnanakaw ay pinatotohanan din ng isa pang katulong ng mga biktima na si Biezel Siotong na nagsabing nakita niya ang suspek na kinuha ang kanilang mga nasabing gamit sanhi para magpasya ang mga huli na dumulog sa QCPD para magreklamo.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tropa ng DSOU, kasama ang mga complainant at testigo na ikinaaresto ng suspek sa may Sandigan Terminal, Commowealth Avenue.

Narekober din sa suspek ang tatlong relo, pero wala na ang cash.

Nanghihinayang naman si Amy Perez sa pangyayari dahil itinuturing na anya nila itong kapamilya sa loob ng ilang taong paninilbihan sa kanila na labis niyang ikinalulungkot kung paano nangyari na nagawa silang lokohin nito.

vuukle comment

AMY PEREZ-CASTILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with