^

Para Malibang

House Of Death (65)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI basta tinanggap ng mga tauhan ni Father Sebastian ang paliwanag nina Mario.

Mahal ng mga ito ang pari kaya galit sila na namatay na lang bigla si Father Sebastian doon sa tinitirhan nina Mario.

“Dapat magkaroon nga ito ng imbistigasyon na masusi.” Deklara ng hepe.

Tanggap na rin iyon nina Mario. “S-sige po. Sasabihin naman po namin ang lahat. Kahit po … maaring hindi kayo maniniwala.”

“Pupuntahan muna ng mga mag-iimbistiga ang pinangyarihan. Kung saan sabi ninyo naaksidente ang pari at nawalan na lang ng malay hanggang sa hindi na nagising.”

“Ang totoo po niyan, Hepe … h-hindi nga po aksidente. May puwersang tumulak kay Father noong … noong nagwiwisik siya ng benditadong tubig sa imahe ni Satanas. Na ginawa ni Temyong. Puwersa ho ni Satanas ang pumatay kay Father!”

“Ano?” Nabigla muna ang hepe sa sinabi ni Mario.

Saka natawa. “Ako ba binibiro mo pa, Mario? Namatay na nga si Father, nakukuha mo pang magbiro?”

“Hindi po ako nagbibiro, Hepe. Nasaksihan po ng buong pamilya ko ang nangyari. Mga saksi ko po sila.”

“Pasensya na, Mario. Ang mga kapamilya mo ay hindi madaling paniwalaan sa kanilang sasabihin na papabor sa iyo. Dahil nga mga kakampi mo sila, siyempre. Isa pa nga, sino’ng maniniwala sa kababalaghan?”

“Sana po may maniwala naman. Wala po kaming ginawang masama kay Father Sebastian. Umasa nga po kami na matutulungan niya. Sina Temyong … sila din naman talaga ang mga may kasalanan. Dahil naniniwala na sila sa satanismo, gumawa sila ng imahe, na nanakit kay Father at naging dahilan ng kanyang kamatayan.”

Nainis na ang hepe. “Titigil ka na ba sa mga kalokohang ‘yan o ngayon pa lang  ipakukulong na kita, Mario?”

Kinapitan ni Anna ang kamay ni Mario at nakiusap sa hepe. “Huwag po, Hepe. Pumunta na lang po muna kayo sa tinitirhan namin ngayon. Mag-imbisitiga po kayo. Para po malaman ninyo ang katotohanan.”

“Okey. Ako mismo ang mamumuno sa imbistigasyon. Dahil para sa akin, importanteng tao si Father Sebastian. Para na siyang ama ng ating lugar.”

Bumulong si Mario kay Anna. “Gusto mo bang maranasan nila ang mga kababalaghan at kasamaan sa mansiyon, Anna?”

“Oo. Baka sakaling maniniwala sila na hindi tayo ang pumatay kay Father, Mario.” Itutuloy

 

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with